Dagdag puntos sa Civil Service exam sa mga kawani ng gobyerno
Bibigyan ng karagdagang puntos ng Civil Service Commission (CSC) sa pagkuha ng civil service examination ang mga kawani ng gobyerno na may 10 taon o higit pa sa serbisyo.
Inanunsiyo ito ni CSC Comm. Aileen Lizada at aniya kabilang sa mga maaring mabenipusyuhan ay ang mga kawani na job orders (JO), contract of service (COS), contractual, casual, categories 3 and 4 (first level holder na walang eligibility), mga kawani na mayfirst-level civil service eligibility, at coterminous employees.
“If you have a combined aggregate service of 10 years in government, you are entitled to a preferential rating,” ani Lizada.
Aniya ang mga kukuha ng susunod na civil service exam na pasok sa mga nabanggit na kategorya ay bibigyan ng karagdagang 10 puntos.
“So, if you don’t achieve the passing 80 percent rate and you scored 70 percent, you will be given an additional 10 points to meet the passing score,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.