Mahigit 700 drug suspects, sumuko sa mga pulis sa Rizal

By Kabie Aenlle July 02, 2016 - 04:38 AM

QCPD drug usersTinatayang aabot sa 768 na drug suspects, kabilang ang mga gumagamit at nagtutulak, ang sumuko sa mga pulis sa probinsya ng Rizal, araw nig Biyernes.

Ayon kay Rizal Provincial Director Police Senior Supt. Adriano Tablacion Enong Jr., pinanumpa pa nila ang mga ito na hindi na sila muling babalik sa kanilang bisyo at mga iligal na aktibidad.

Isasailalim naman sa mga kaukulang proseso ang mga sumukong drug suspects upang malaman kung aling istasyon ng pulis ang mag-aasikaso sa kanila.

Tutukuyin pa rin nila kung anong tulong ang maari nilang maibigay sa mga ito bukod sa rehabilitasyon.

Sa mahigit 700 na sumuko, 152 sa kanila ay pawang mga residente ng Antipolo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.