Pagbaba ng Ph unemployment rate, indikasyon ng pagbawi ng ekonomiya – Villanueva

By Jan Escosio January 11, 2024 - 12:50 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nagpahayag ng kanyang kagalakan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagbaba noong nakaraang Nobyembre ng unemployment rate sa bansa.

Aniya malinaw itong indikasyon na nakabangon na ang ekoonomiya, partikular ang sektor ng paggawa, mula sa pagkakasadsad sa kasagsagan ng pandemya.

Pagpapakita din aniya ito ng pagiging epektibo ng mga polisiya.

Iniulat kamakalawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mula sa 4.2 porsiyento noong Oktubre bumaba sa 3.6 porsiyento ang unemployment rate sa bansa.

“As our labor market continues to improve and with more job opportunities from foreign investors expected to materialize this year, we need to see a sustained effort to keep our unemployment numbers low and not only during the holiday season. This is why it is very important that we fast track the completion of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the Trabaho Para Sa Bayan (TPB) Act, as instructed by no less than President Bongbong Marcos,” ani Villanueva.

Paliwanag ng senador na sa pamamagitan ng isinulong niyang TPB Act magkakaroon ng komprehensibong plano para sa pagkakaroon ng mga karagdagang trabaho para sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa edukasyon at pagsasanay.

“Quality laws, like the TPB, are the product of the hard work of the Senate as an institution in crafting laws that would benefit the people,” dagdag pa ni Villanueva.

TAGS: psa, Sen. Joel Villanueva, trabaho, unemployment rate, psa, Sen. Joel Villanueva, trabaho, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.