WHO: Pagsirit ng global Covid 19 cases dahil sa Kapaskuhan, JN.1 variant

By Jan Escosio January 11, 2024 - 11:59 AM

WHO SCREENSHOT

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na lumubo ang bilang ng mga nahawaan ng Covid 19 dahil sa mga pagtitipon sa nakalipas na Kapaskuhan, gayundin dahil sa JN.1 variant ng naturang virus.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus halos 10,000 ang napa-ulat na namatay dahil sa Covid 19 noong Disyembre at tumaas ng 42 porsiyento ang hospitalization rate, samantalang ang na-admit sa intensive care unit (ICU) ay umangat ng 62 porsiyento.

Ang mga datos ay base sa mga impormasyon mula sa 50 bansa, karamihan sa Europe at Amerika.

Naniniwala ang opisyal na may mga pagtaas din ng kaso sa ibang bansa ngunit hindi naisama sa ipinadala sa kanilang mga ulat.

Inaasahan din ang pagtaas pa ng bilang lalo na sa mga bansa na may “winter” na magtatagal hanggang ngayon buwan.

TAGS: COVID-19, icu, WHO, COVID-19, icu, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.