Imee naghain ng resolusyon ukol sa P100 para sa pirma sa Cha-cha
Naghain ng resolusyon si Senator Imee Marcos na ang layon ay maimbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang nabunyag na diumanoy pagbabayad ng P100 sa bawat pirma sa isinusulong na People’s Initiative.
Sa Senate Resolution No. 902, binanggit ni Marcos ang ulat sa isang lehitimong online news site ukol sa pahayag ng ilang miyembro ng Kamara na may coordinators ang isang party-list ang tumanggap ng pera para matiyak na susuporta ang tatlong porsiyento ng rehistradong botante ng bawat distrito sa people’s iniative.
Kasabay nito ang pagbubunyag ni Albay Rep. Edcel Lagman na pinulong ang mga alkalde ng kanilang lalawigan sa isang hotel sa Legazpi City para din sa naturang pakay at tatanggap ng P100 ang pipirma para sa people’s initiatve petition
May mga katulad pagpipirma din diumano sa Quezon City.
At may alok din na P20 milyon sa bawat district representative na makakalikom ng target na bilang ng mga pirma para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Diin ni Marcos ang pamamaraan na ito ay mapang-abuso at maituturing na korapsyon at kailangan nang matuldukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.