378 nabiyayaan ng DOLE-TUPAD sa Laguna dahil kay Sen. Lito Lapid

By Jan Escosio January 11, 2024 - 08:21 AM

OSLL PHOTO

Naging daan si Senator Lito Lapid upang mabiyayaan ang 378 residente ng Pakil at Cavinti sa Laguna ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tig-5,200 ang tinanggap ng bawat benepisaryo na karamihan ay mga kababaihan.

Nabatid na naglinis sila ng mga paaralan at lansangan sa dalawang bayan ng 10 araw.

Pinangunahan ni Pakil Mayor Vince Soriano, Cavinti Mayor Arrantlee Arroyo, DOLE – Laguna Dir. Lorena Gacosta, Erwin Agutaya at Benjie Navea ang pamamahagi ng tulong.

Todo-pasasalamat kay Lapid ang dalawang alkalde at anila napapanahon ang pagbibigay-tulong sa kanilang mga kababayan na lubos na nangangailangan.

 

TAGS: Cash for work, DOLE, Lito Lapid, Cash for work, DOLE, Lito Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.