Plano na drug rehab centers sa bawat probinsiya suportado ni Go
Agad nagpahayag ng kanyang suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa anunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., na magpatayo ng drug treatment and rehabilitation facility sa bawat probinsiya hanggang sa Hunyo 2028.
Bukod pa dito ang plano na pagpapatayo ng community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) and Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa bawat lalawigan, lungsod, bayan hanggang sa mga barangay.
Maganda sabi ni Go ang plano dahil bahagi ito nang pagpapaigting ng kampaniya laban sa droga.
“This move is a significant step towards strengthening our nation’s fight against the scourge of illegal drugs. By providing accessible and comprehensive rehabilitation services across the country, we are not only helping individuals recover from drug dependence but also ensuring their successful reintegration back into society,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health.
Una nang inihain ni Go ang Senate Bill 428 na layon makapagpatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat lalawigan sa bansa.
Paliwanag niya ang mga pasilidad ay hindi lamang magsisilbing treatment facility sa mga drug dependents kundi mag-aalok din ito after-care, follow-up services, at social reintegration programs.
“Nakikita naman po sa datos na napakarami na po talaga ang nasira ang buhay nang dahil sa iligal na droga. Huwag po natin sayangin ang inyong bukas at gumawa na lang po ng tama. Kaya kung kinakailangan niyo po ng tulong, may rehab centers at mga programa po ang gobyerno,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.