Nakipagpulong kanina si Senate President Juan Miguel Zubiri sa 15 senador.
Base sa impormasyon mula sa opisina ni Zubiri, tumagal ng apat na oras ang “working lunch” ng mga senador.
Pinag-usapan sa pulong ang “pressing concerns” ng mga senador at iba pang usapin.
May ilang senador naman ang personal na hindi nakadalo dahil may karamdaman gaya nina Minority Leader Koko Pimentel, gayundin si Sen. Bong Revilla Jr.
May apat na nasa ibang bansa, sina Sens. Imee Marcos, Alan Peter Cayetano, Robinhood Padilla at Grace Poe.
Samantalang, hindi din nakadalo sina Sens. Bong Go at Raffy Tulfo.
Isinagawa ang pulong halos dalawang linggo bago ang muling pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa Enero 22.
MOST READ
LATEST STORIES