Dagdag singil sa kuryente ng Meralco ngayon Enero

By Jan Escosio January 10, 2024 - 08:16 PM

FILE PHOTO

Inanunsiyo  Manila Electric Company (Meralco) ang pagtaas ng halaga ng kuryente ngayon unang buwan ng taon.

Ayon sa Meralco karagdagang 8.46 sentimos  kada kilowatt-hour (kWh) ang papatong sa  overall rate para sa isang kabahayan sa  ₱11.3430 per kWh mula ₱11.2584 per kWh noong nakaraang buwan.

“For residential customers consuming 200 kWh, the adjustment is equivalent to a minimal increase of around ₱17 in their total electricity bill,” ayon sa abiso ng power distribution company.

Ang karagdagang singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge ng 11.36 sentimos sa  P6.6468 per kWhmula P6.5332 per kWh noong Disyembre dahil sa pagtaas ng halaga ng kuryente mula sa  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).

Nabatid na ang pagtaas ng singil ng WESM ay dahil sa pagtaas ng average capacity sa outage sa Luzon grid na tumaas ng 418 MW.

Samantala, ang pagtaas sa singil ng  IPPs ay dahil nadagdagan  ₱0.1384 per kWh ang fuel costs ng First Gas Sta. Rita at  San Lorenzo na nagresulta sa paggamit ng imported liquefied natural gas (LNG).

 

TAGS: generation charge, Meralco, power rate hike, WESM, generation charge, Meralco, power rate hike, WESM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.