Pangulong Marcos Jr., umaasa ng “clemency” kay Mary Jane Veloso sa Indonesia

FILE PHOTO

Positibo si Pangulong Marcos Jr., sa posibilidad na mabigyan ng clememcy si Mary Jane Veloso, ang Filipina worker na nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia.

Ito ang ibinahagi ni  Foreign Affairs Undersecretary for ASEAN and Bilateral Affairs Ma. Theresa Lazaro sa pagsasabing naipadala na sa Jakarta ang testimoniya ni Veloso sa kasong isinampa niya laban sa kanyang illega recruiters.

Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng gobyerno para matulungan si Veloso at ang pamilya nito.

Aniya sa katunayan ay nakasama ni Veloso ang kanyang pamilya noong Kapaskuhan sa tulong ng kagawaran at ng Philippine Embassy sa Indonesia.

Noong Setyembre 2022, hiniling ni Foreign Affiars Sec. Enrique Manalo kay Indonesia Foreign Minister Retno Marsudi na na mabigyan ng executive clemency si Veloso.

Nasa bansa ngayon si Indonesian President Joko Widodo para sa tatlong araw na working visit at nagpulong na sila kanina ni Pangulong Marcos Jr.

 

Read more...