Chiz: Tingnan ang National Grid Code sa Panay blackout incident
Nakita ni Senator Francis Escudero ang pangangailangan na mabusisi ang National Grid Code (NGC) dahil sa mga nangyayaring turuan at sisihan ukol sa ilang araw na pagkawala ng kuryente sa Panay Island pagpasok ng unang linggo ng bagong taon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Escudero na base sa records na kanyang nabasa kahit bumagsak ang PEDC 1 noong alas-12:09 ng tanghali noong Enero 2, pasok pa rin ito sa frequency at boltahe na nakasaad sa NGC.
“Kung pasok pa rin siya ng 2:19 (ng hapon) bakit nag-shutdown ang PCPC? Baka dapat i-adjust a ng range or tingnan ang mga nag-trigger sa mga breaker ng planta. So dapat makita natin ang mga standards na iyon para makita natin ang standards na iyon para makita kung paano maiiwasan,” sabi pa nito.
Dagdag pa ng senador, hindi maaring gumawa ng mga hakbang ang system operator na wala sa nakasaad sa NGC.
Diin pa din ni Escudero dapat ang ginagawang hakbang ng mga planta ay dapat alinsunod din sa NGC.
Samantala, sa nasabi din pagdinig, nanindigan ang National Grid Corp. of the Phils. (NGCP), na alinsunod sa NGC ang kanilang naging pagtugon sa pagkawala ng kuryente sa Panay Island.
Ayon sa NGCP, base sa kanilang sariling records at system data, walang naging abnormalidad sa system voltage sa pagbagsak ng PEDC 1 ng alas- 12:06 ng hapon hanggang sa pagbagsak ng PCPC ng alas-2:19.
Paliwanag ng NGCP at base sa nakasaad sa NGC, kapag nananatiling stable ang sistema sa kabila ng pagbagsak ng planta, hindi pa mangangailangan ng “manual corrective intervention.”
“It only means that disengaging loads manually, or disconnecting thousands of households from their supply of power, as recommended by the Department of Energy and the Independent Electricity Market Operator of the Philippines, in anticipation of a subsequent grid event, is prohibited under the rules,” pahayag pa ng NGCP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.