Indonesian President Joko Widodo sinalubong ni PBBM sa Malakanyang
Simula ngayon ang tatlong araw na official visit ni Indonesian President Joko Widodo.
Sinalubong siya ni Pangulong Marcos Jr., sa Malakanyang para sa kanilang pagpupulong bago siya binigyan ng arrival honors sa Kalayaan Grounds at pumirma sa guest book sa Reception Hall.
Inaasahan na kapwa magbibigay ng pahayag ang dalawang pangulo pagkatapos ng kanilang bilateral meeting.
Noong Setyembre 2022 si Pangulong Marcos Jr., ang bumisita sa Indonesia sa pagdalo niya sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta.
Pinaniniwalaan na matatalakay ng dalawang pinuno ang progreso ng kanilang mga napag-usapan noong huli nilang pagkikita.
Kabilang din sa posibleng mapag-usapan ng dalawa ay ang sitwasyon ni Mary Jane Veloso, ang Filipina na nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.