Hindi pa natatapos ang Traslacion ngunit humigit 2.6 milyong deboto na ang sumama sa prusisyon ng Itim na Nazareno.
Ito ang ibinahagi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo at aniya nakapagtala sila ng 290 nasugatan at dumaing ng isyu sa kanilang kalusugan at katawan.
Sinabi pa ni Fajardo na sa pangkalahatan ay mapayapa ang nagpapatuloy na prusisyon hanggang kaninang hapon.
“We will continue monitoring. The procession started 5 a.m. when the carriage left Quirino Grandstand. According to the District Director of the Manila Police District, the procession is faster compared previous processions,” ayon pa sa opisyal.
Aniya inaasahan nila na makakabalik ang imahen ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ngayon gabi.
Dinagdagan pa ng pambansang-pulisya ang 16,000 pulis na nagbigay seguridad sa prusisyon para matiyak na patuloy na magiging ligtas ang mga deboto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.