Bilang ng jobless Pinoy bumaba sa 1.83-M noong Nobyembre

By Jan Escosio January 09, 2024 - 03:04 PM

INQUIRER PHOTO

Noong nakaraang Nobyembre, may 1.83 milyong Filipino ang walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang bilang ay mababa ng 257,000 sa naitalang 2.09 milyong walang trabaho noong nakaraang Oktubre.

Ang naitalang bilang noong Nobyembre ay kumatawan ng national unemployment rate noong 3.6%, na mababa sa 4.2% noong Oktubre at Nobyembre 2022.

Nangangahulugan din ito na 49.64 milyong Filipino ang may trabaho o 96.4% employment rate.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ang 96.4% employment rate at ang 3.6% unemployment rate noong nakaraang Nobyembre ang pinakamataas at pinakamababang naitala simula noong Abril 2005.

 

 

TAGS: employment, psa, unemployment, employment, psa, unemployment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.