Nakabalik na sa kaniyang tahanan sa Davao City ang bagong pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.
Kasama ang anak na si Veronica at common law wife na si Honeylet Avancena, sinalubong ng military honors si Duterte mula sa Philippine Air Force paglapag ng kaniyang private plane sa Davao.
Umuwi si Duterte pagkatapos niyang pangunahanan ng change of command ceremonies nina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. RIcardo Visaya.
Una namang sinabi ng presidential son na si Paolo Duterte na tatlong araw na magtatrabaho dito sa Maynila ang pangulo, at tatlong araw rin sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.