125,000 deboto sumali na sa Traslacion

By Jan Escosio January 09, 2024 - 02:37 PM

JAN ESCOSIO PHOTO

Hanggang ngayon ala-1 ng hapon, umabot na sa 125,300 deboto ang nakibahagi sa Traslacion.

Base ito impormasyon mula sa Manila Police District (MPD), na nagpakalat ng mga tauhan sa ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Lumubo ang bilang ng mga deboto sa pinakamataas na 50,000 nang umikot na ang Traslacion sa may C.Palanca street.

Ang pagdami ng mga deboto ay bunga nang pagsama nila matapos dumalo sa Banal na Misa sa Quiapo Church.

Pagsapit ng alas-2 ay bumaba na sa 104,500 ang deboto sa ruta ng prusisyon.

Samantala, 40,000 ang nasa Quiapo Church at umabot na sa 644,000 ang nagtungo sa simbahan.

TAGS: Black Nazarene, quiapo, Traslacion, Black Nazarene, quiapo, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.