Mga nakayapak na deboto ng Nazareno puwede sa LRT – 2

January 08, 2024 - 08:33 PM

INQUIRER PHOTO

Papayagan na makasakay sa LRT Line 2 ang mga deboto ng Itim na Nazareno na makikibahagi sa Traslacion bukas.

Inaasahan na humigit-kumulang na dalawang milyong deboto ang sasama sa prusisyon ng Black Nazarene at marami sa kanila ang sasakay ng LRT 2.

Mananatili naman ang normal operating hours ng LRT 2 kasabay ng Traslacion, na magsisimula ng ala-6 ng umaga.

Noong Enero 4, dinala ang imahen ng Itim na Nazareno sa Line 2 depot sa Pasig City.

Nag-alay ng panalangin ang mga kawani ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa isinagawang pahalik o pagbibigay-pugay sa Mahal na Poong Nazareno.

TAGS: Black Nazarene, deboto, LRT 2, Traslacion, Black Nazarene, deboto, LRT 2, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.