Higit 2.6 milyong kilo ng basura nakolekta sa admin Kalinisan drive

PCO PHOTO

Higit 2.6 milyong kilo ng basura ang nakolekta sa paglulunsad ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (Kalinisan) program ng administrasyon noong nakaraang Sabado, Enero 6.

Sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO) base sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kabuuang 2,646,948 kilo ng basura ang nakolekta sa  sa 9,189 barangays.

Samantalang, 580,000 katao naman ang nakibahagi sa naturang clean-up campaign.

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos kada tatlong buwan ay bibigyang pagkilala ang mga lokal na pamahalaan na epektibong makakasunod sa naturang programa.

Ipinapakita aniya sa programa ang pakikiisa ng mga mamamayan para sa malinis at ligtas na komunidad.

Hinimok niya ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa para madisiplina ang mga mahuhuling nagkakalat ng mga basura sa pamamagitan ng “community service.”

 

Read more...