7 sa bawat 10 Pinoy hindi bilib sa istratehiya ng PBBM-admin vs inflation

By Jan Escosio January 08, 2024 - 08:05 PM

INQUIRER PHOTO

Pito sa bawat 10 Filipino ang hindi sang-ayon sa istratehiya ng administrasyon laban sa inflation.

Base ito sa resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Disyembre 3 hanggang Disyembre 7 na may 1,200 respondents sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Lumabas na 73 porsiyento ang sumagot na hindi sila kuntento sa diskarte ng gobyerno para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Mataas na porsiyento ng mga Filipino ang bilib sa pakikiharap ng administrasyon sa mga isyu ukol sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs), pagtulong sa mga nasalantang lugar, pangangalaga sa kapaligiran, promosyon ng kapayapaan, pagtanggol sa teritoryo ng bansa, pagsugpo sa krimen at pagpapatupad ng mga batas.

Bukod naman sa inflation, maraming Filipino ang nagsabi na nangangailangan ng agarang atensyon ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa, paglikha ng mga karagdagang trabaho at kahirapan.

 

 

TAGS: Inflation, pulse asia, survey, Inflation, pulse asia, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.