Magpapatupad simula bukas ang mga kompaniya ng langis ng taas-presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya, magkakatulad na 10 sentimos kada litro ang madadagdag sa presyo ng gasolina, krudo at kerosene.
Ngayon taon, 10 sentimos ang ibinaba ng presyo ng gasolina, 25 sentimos sa krudo at P1.40 naman sa kerosene.
Ayon kay Energy Asst. Dir. Rodela Romero ang karagdagang gastusin sa transportasyon ng langis mula sa Middle East ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Aniya nadagdagan ang gastos dahil sa mas malayong ruta ang binabagtas ng mga oil tanker para maiwasan ang tensyon sa Red Sea.
MOST READ
LATEST STORIES