Retired AFP general inasunto ni PNP Chief Acorda dahil sa destab plot post

By Jan Escosio January 08, 2024 - 05:24 PM

PNP PIO PHOTO

Inireklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office ni PNP Chief Benjamin Acorda ng paglabag sa Cybercrime Law ang isang retiradong heneral ng Armed Force of the Philippines (AFP).

Ang reklamo laban kay retired Gen. Johnny Macanas ay dahil sa paggamit niya ng larawan ni Acorda sa kanyang viral post sa social media ukol sa pagkumbinsi kay Pangulong Marcos Jr., na bumaba na sa puwesto.

Ginamit din ni Macanas ang larawan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.

“This case was filed because of sowing disinformation that the Chief PNP has withdrawn support from the President and that the President is being encouraged to resign,” paliwanag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Dagdag pa ni Fajardo ang ginawa ni Acorda ang hakbang para ipabatid na publiko na ang karapatan sa pagpapahayag at opinyon ay kailangan pa rin na isinasagawa alinsunod sa mga batas.

 

 

TAGS: AFP, cybercrime, destabilization plot, PNP chief, social media, AFP, cybercrime, destabilization plot, PNP chief, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.