Pinaalahanan ni Senator Imee Marcos ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa pagkuha na ng automated counting system para sa eleksyon sa susunod na taon.
Aniya napakahalaga ng oras dahil mabilis ang paglipas ng panahon para sa mga paghahanda sa 2025 national and local elections.
Gayunpaman, paalala lamang din ng senadora sa Comelec na busisiin ng husto ang lahat ng bidders, partikular na ang kanilang background at track record, na makikibahagi sa bidding para sa voting and counting system.
Dapat aniya matiyak na walang bahid ng anumang pagdududa ang potential suppliers.
Pagdidiin din ni Marcos na napakahalaga sa taumbayan ang malinis na eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES