Pag-padlock sa fire stations ng Taguig City uungkatin ni Cayetano
Kahit nabuksan na ang mga isinarang fire stations sa Taguig City, tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano na iimbestigahan niya ang ginawa ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Una nang nagpahayag ng sobrang pagkadismaya si Cayetano sa pag-padlock ng BFP sa fire stations na nailipat sa lungsod ng Taguig mula sa Makati City sa bisa ng naging desisyon ng Korte Suprema ukol sa isyu ng teritoryo ng dalawang lungsod.
Sinabi ni Cayetano na ipapatawag niya ang mga opisyal ng BFP upang magbigay ng kumpletong ulat sa pamamagitan ng pagdinig sa Senado.
“We will have a hearing. I will get to the bottom of this. May tsansa pa kayo sa Bureau of Fire (Protection) by correcting and repenting,” wika niya,
Dagdag pa ng senadora “I don’t want your excuses. You give a full report of what happened,.”
Nadiskubre aniya nila ng kanyang maybahay, si Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagkadena sa fire stations nang saluhan nila sa New Year boodle fight ang mga pulis sa Barangay West Rembo at Comembo.
Paalala na lang din ng senador na may pahayag na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ililipat sa pangangasiwa ng Taguig CIty ang “EMBO” fire stations.
“Nu’ng December 31, nakakandado na pala ang mga fire station, wala tayong kamalay-malay. At alam naman po natin, red alert kapag December 31, dahil maraming gumagamit ng mga paputok. I’m very emotional about this, kasi can you imagine, kung may sunog na nangyari diyan, hindi lang po y’ung mga gamit, pati y’ung buhay ng mga tao maaapektuhan,” dagdag niya.
Sabi pa ni Cayetano na nalaman niya na ang utos nang pagkandado sa fire stations ay utos ni Makati City Mayor Abby Binay.
Si Interior Sec. Benhur Abalos na ang namuno sa pagbubukas ng fire stations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.