Bagong AFP Chief of Staff Lt Gen Ricardo Visaya bubuhusan ng resources at pwersa ang pinaglulunggaan ng ASG

By Ruel Perez July 01, 2016 - 08:27 PM

visaya1
Grab from RTVM Video

Hindi umano magpatitinag sa banta ng mga teroristang grupo at lahat ng kaalyadong terrorista ang bagong liderato ng AFP.

Mariing banta ni Visaya na bubuhusan nila ng pwersa at iba pang resources ang lahat ng mga lugar na pinaglulunggaan ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ilalapat ang pinaka mabigat na lakas para supilin at tapusin ang kanilang karahasan.

Kasabay nito, pag-aaralan umano nila ang pagbili ng mas akmang mga gamit para masuportahan ang kanilang kapasidad at kapabilidad sa pagtugis at pagsugpo sa mga bandidong grupo.

Samantala, plano rin ni Visaya na mas palakasin ang kanilang suporta sa PNP sa pangunahing misyon nito na masawata ang ang talamak na kriminalidad at ang malawakang operasyon ng iligal na droga.

Kaninang hapon isinagawa ang change of command ceremony kung saan pormal nang naluklok bilang bagong AFP Chief of Staff si LT Gen Ricardo Visaya kapalit ng OIC Acting COS Lt Gen Glorioso Miranda.

TAGS: AFP, ASG, Bagong liderato, Lt Gen Visaya, Teroristang Grupo, AFP, ASG, Bagong liderato, Lt Gen Visaya, Teroristang Grupo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.