Patient’s halfway houses inihirit ni Go na madagdagan

By Jan Escosio January 05, 2024 - 11:22 AM

SENATE PRIB PHOTO

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapatayo ng karagdagang halfway houses sa malalaking ospital sa bansa.

Nais ng namumuno sa Senate Committee on Health na may pansamantalang matuluyan ang mga pasyente kasama ang kanilang pamilya, na malayo ang tirahan sa pinagpapagamutang ospital sa Metro Manila.

Banggit ni Go napaglaanan na ng pondo sa 2024 national budget ang pagpapatayo ng tatlong halfway houses sa Philippine Heart Center (PHC), Philippine Children’s Medical Center (PCMC), at sa  Quirino Memorial Medical Center (QMMC), pawang na sa lungsod ng Quezon.

Pagdidiin nito napakahalaga ng proyekto dahil bahagi ito ng pagbibigay ng accessible healthcare services.

“Maraming pamilyang Pilipino ang pumupunta pa ng Metro Manila para magpagamot. Nakalulungkot isipin na habang ginagamot ang kanilang mahal sa buhay, mahirap din para sa kanila ang maghanap ng matutuluyan. Dito tayo pumapasok at tumutulong,” aniya.

Una nang isinulong ng senador ang pagpapatayo ng regional specialty hospitals sa pamamagitan ng RA 11959.

 

TAGS: bong go, healthcare, bong go, healthcare

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.