DOH: Metro Manila hospitals sa Traslacion “code white alert”

By Jan Escosio January 05, 2024 - 06:17 AM

INQUIRER PHOTO

Inilagay ng Department of Health (DOH) ang lahat ng ospital sa Metro Manila  sa  ‘code white alert’ hanggang sa Enero 11, araw ng Huwebes, upang makapaghanda sa anumang medical emergency kaugnay sa  Traslacion sa araw ng Martes, Enero 9.

Kasabay nito, ayon kay Sec. Ted Herbosa, ang pagpapakalat nila ng kanilang emergency response team na may ambulansiya sa mga ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ito ay sa Qurino Grandstand; Roxas Boulevard corner Ayala; Ayala Boulevard corner Taft; Ayala Boulevard corner San Marcelino; San Sebastian Church; Villarica, Quezon Boulevard; Quinta Market; at Paterno, Quezon Boulevard.

Magugunita na inilagay din sa “code white alert status” ang mga ospital sa bansa noong nakaraang Disyembre 20 hanggang nitong Enero 4 dahil naman sa mga pagdiriwang kaugnay sa Kapaskuhan.

Pinayuhan naman ang mga deboto na makikibahagi sa Traslacion ng ibayong pag-iingat kasama na ang pagsusuot ng mask at hindi paghawak o paghalik sa mga banal na imahe para maiwasan ang hawaan ng mga sakit.

Gayundin, pinaalahanan sila na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at iwasan ang pananatili sa ilalim ng sikat ng araw upang maiwasan ang heat stroke.

 

 

TAGS: code white, doh, HOSPITALS, Traslacion, code white, doh, HOSPITALS, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.