Social distancing, pagsusuot ng mask ikakasa sa Quiapo Church
Mahigpit na ipapatupad ang social distancing at pagsusuot ng mask sa mga debotong magsisimba sa Simbahan ng Quiapo sa paggunita sa kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ito ang naging rekomendasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna sa katuwiran na nananatili ang COVID 19.
Ayon kay Nazareno 2024 Operations Dir. Bro. Bong Grajo maglalagay na lamang ng video wall sa Carriedo at Quezon Boulevard para matunghayan ang mga iseselebrang Banal na Misa.
Magpapatupad din ng single entry point sa simbahan at multiple exit points.
Kabuuang 33 Banal na Misa ang idadaos simula alas-3 ng hapon ng Enero 8, araw ng Lunes hanggang alas-11 ng gabi Enero 9, araw ng Martes.
Sa Sabado, Enero 7, sa ganap na ala-7 ng gabi ay magsisimula na ang Pahalik sa Quirino Grandstand at hatinggabi ng Lunes ay magdaraos ng Misa sa pangunguna ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.