Pagbubuhusan ng P125B Maharlika Investment Fund tinukoy ng MIC

By Jan Escosio January 04, 2024 - 06:55 PM

DOF PHOTO

Nakapagpulong na ang mga opisyal ng  Maharlika Investment Corporation (MIC) na mangangasiwa sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Napag-usapan sa pulong ang kapitalisasyon ng pondo, gayundin ang mga proyekto na maaring paggamitan nito. Iprinisinta ni MIC President and Chief Executive Officer (PCEO) Rafael D. Consing, Jr. ang mga sektor na maaring paggamitan ng pondo. Kabilang dito ang sa imprastraktura, oil, gas and power, agroforestry industrial urbanization, mineral processing, tourism, transportation at aerospace and aviation. Ipupuhunan ang pondo para sa mabilis na pagpapatupad ng 197 high-impact infrastructure projects ng gobyerno na may kabuuang halaga na P8.7 trillion. Naaprubahan na ng Board ang naiprisintang  Capitalization Scheme na nagkakahalaga ng P125 billion na mula sa Land Bank, Development Bank of the Philippines, gayundin mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at PAGCOR.

TAGS: fund, Investment, Maharlika, fund, Investment, Maharlika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.