Daan daan sa mga sumukong drug users sa QC positive sa drug test

By Jan Escosio July 01, 2016 - 07:36 PM

daan daan sumuko jan
Kuha ni Jan Escosio

Pinablik sa Camp Karingal ang ilan sa mga drug dependents na sumuko noong nakaraang linggo.

Ayon kay Police Sr Supt Joselito Esquivel, Deputy District Director for Operations ng QCPD, sa 1,090 na sumuko, 637 sa kanila ang sumalang sa drug test at 486 sa kanila ang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Aniya ang mga nagpositibo ay sasalang pa sa evaluation para malaman ang degree ng paggamit nila ng droga.

Sinabi pa ni Esquivel na kailangan madetermina ang antas at tagal ng paggamit ng droga para malaman kung anong uri ng tulong ang ibibigay sa kanila.

TAGS: drug tests, iligal na droga, QC, drug tests, iligal na droga, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.