Pagsabak ni Digong sa 2025 Senate race pinag-uusapan sa PDP-Laban

By Jan Escosio January 04, 2024 - 03:32 PM

INQUIRER PHOTO

Patuloy na nagiging mainit na paksa ang posibleng pagsabak ni dating Pangulong Duterte sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ito ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa isang interbyu ng mga mamamahayag sa Senado.

Pagbabahagi ng senador, palagi napapag-usapan ang pagtakbo sa pagka-senador ni Duterte sa tuwing may pulong ang kanilang partido, ang PDP-Laban.

Aniya patuloy ang pagkumbinsi sa dating pangulo na kumandidato muli sa pambansang halalan.

Ayon pa kay dela Rosa marami sa kanila ang nasasabik na sa magiging desisyon ni Duterte kasabay na rin ng umuugong pa rin na pag-iimbestiga sa huli ng International Criminal Court (ICC).

Paglilinaw lang agad ni dela Rosa na hindi proteksyon sa ICC ang motibo ni Duterte sakaling muli nitong ialok sa mga botante ang sarili.

 

TAGS: bato, digong, election, senatorial race, bato, digong, election, senatorial race

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.