Supplier ng modern jeepneys nais maisapubliko ni Koko

INQUIRER PHOTO

Gusto ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na matukoy ang supplier ng gobyerno ng modern jeepneys sa bansa kasabay nang masigasig na pagsusulong ng PUV Modernization Program.

Ibinahagi ni Pimentel na nais niyang makipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) para malaman ang pagpili ng supplier ng modern jeepneys kasama na ang nagsisilbing “middlemen.”

Paliwanag niya dahil ito ay programa ng gobyerno nararapat lamang na dumaan sa proseso ang pagpili ng supplier kabilang na ang pagiging accredited at pagdaan sa public bidding.

Aniya kung walang bidding, maikukunsidera na “pre-arranged” ang pagbili ng modern jeepneys.

Kailangan, dagdag pa ng senador, na maging transparent ang proseso.

Read more...