Buo ang tiwala kay Pangulong Marcos Jr., ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pangako na hindi makakapasok ng bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para imbestigahan si dating Pangulong Duterte.
Pagbabahagi ni dela Rosa ang pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr., sa kanya ay nangyari sa isang pagtitipon sa Malakanyang noong Nobyembre.
“Solid as a rock ‘yung assurance na binigay sa akin ng Pangulo noong kami ay nag-dinner doon sa Malacanang. Solid as a rock. Naniniwala ako sa Pangulo. Buo ang tiwala ko sa kanya sa sinabi niya sa akin about the ICC until now. Buong buo pa rin ang aking paniniwala sa kanya na hindi niya papapasukin ang ICC,” ani dela Rosa.
Diin nito ang anumang hindi awtorisadong pag-iimbestiga sa bansa ng anumang banyagang ahensiya ay maituturing na panghihimasok sa sobereniya ng Pilipinas.
Kayat hinikayat niya ang mga kinauukulang ahensiya na gobyerno na alamin ang sinasabing pagkakapasok sa bansa ng ICC investigators para matiyak na nasusunod ang posisyon ng Pilipinas.
“The government’s position should be maintained and it should be felt on the ground. Kung ang official position of the government is hindi talaga sila i-entertain at nanghihimasok sila dito, nagka-conduct ng investigation, ang sabi nga ni former Senator [Juan Ponce] Enrile, they can be arrested,” sabi pa nito.