Gatchalian hinanap sa DOE ang Energy Plan ng Pilipinas

By Jan Escosio January 04, 2024 - 06:11 AM

SENATE PRIB PHOTO

Ipinagpapaliwanag ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) ang hindi pa pagsusumite sa Kongreso ng bagong energy roadmap ng bansa.

Sinabi ni Gatchalian na dapat nakapaloob sa Philippine Energy Plan (PEP), na dapat ay hanggang 2050, ang pagpapataas sa paggamit ng renewable energy at pagbuo ng energy mix  para sa tinarawag na “clean energy scenario.”

“Ang Philippine Energy Plan ang magiging pundasyon para sa pagkamit ng mas malinis na enerhiya, pagtataguyod ng ekonomiya, at pagpapahusay ng kapakanan ng ating mga kababayan,” sabi ng senador.

Kayat aniya napakahalaga na maisumite na ng DOE ang updated energy roadmap, na dapat ay ginagawa tuwing sasaoit ang Setyembre 15 ng bawat taon alinsunod sa RA 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“Mahigit tatlong buwan nang overdue ang pagsusumite ng PEP. Kailangang sumunod kaagad ang DOE sa pangangailangang ito,” diin ni Gatchalian.

Ang kasalukuyang renewable energy goals ng Pilipinas ay tinatayang nasa 35% pagdating ng 2030 at 50% pagsapit ng 2040.

“Hindi katanggap-tanggap na naantala na nang husto ang pinakahuling energy plan na napaka importanteng dokumento para maisulong nang husto ang sapat at malinis na suplay ng enerhiya sa bansa,” dagdag pa nito.

TAGS: DOE, Energy, Gatchalian, roadmap, DOE, Energy, Gatchalian, roadmap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.