Ilang pulis nakabantay pa rin sa bahay ni Dating Pangulong Noynoy Aquino.

By Jan Escosio July 01, 2016 - 07:15 PM

dona bahay ni pnoy
Kuha ni Donabelle Dominguez

Nanatili ang ilang pulis sa harapan ng bahay ni dating pangulong noynoy aquino dito sa Times St. Quezon City.

Ang ilang pulis ay may mga disturbance management gear sakaling muling may magtangka na lumusob sa bahay ni Citizen Noynoy.

Magugunita na kahapon nagkabanggaan ang mga pulis at mga militanteng kabataan dito sa Times St. hindi kalayuan sa bahay ng dating pangulo.

Dalawang opisyal sina Supt Dario Anasco Hepe ng station 2 at ang kanyang Deputy na si Chief Insp Melchor Rosales ang nasugatan sa kaguluhan.

Nais ng mga militante na papanagutin si aquino sa mga kasalanan nito sa taumbayan.

TAGS: Citizen Noy, militante, Pulis, Citizen Noy, militante, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.