MIAA nag-abiso sa mga pasaherong patungong Tokyo, Japan

By Jan Escosio January 03, 2024 - 04:02 PM

INQUIRER.NET PHOTO

Inabisuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na patungo sa Haneda Airport sa Tokyo, Japan na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa kanilang “flight status.”

Kasunod na rin ito nang pagpapasara ng runways sa naturang paliparan bunga ng nangyaring aksidente.

May direct flight mula NAIA patungong Haneda Airport ang Philippine Airlines (PR), Japan Airlines (JL), at All Nippon Airways (NH).

May mga biyahe na naantala, samantalang may biyahe ang  All Nippon Airways NH870 (MNL-HND) ang lumapag sa Kansai Airport.

Magugunita na lima ang nasawi nang masunog ang isang Japan Airlines plane nang bumangga sa isang  earthquake relief aircraft kahapon.

Nakaligtas ang lahat ng 379 sakay ng  JAL flight 516 samantalang ang mga nasawi ay sakay ng relief aircraft ng Japan Coast Guard.

TAGS: Airport, MIAA, Tokyo, Airport, MIAA, Tokyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.