Kabuuang 129,030,158 pasahero ang sumakay sa MRT-3 noong nakaraang taon.
Ito ang ibinhagi ni MRT-3 officer-in-charge at Transportation Asec. Jorjette Aquino at aniya ang bilang ay 30 porsiyento na mas mataas kumpara sa naitala noong 2022.
Aniya ang pagdami nang tumatangkilik sa MRT 3 ay dahil sa mga positibong pagbabago sa kanilang linya, epektibong maintenance program, at ang pagbabalik ng on-site work matapos ang pandemya dulot ng COVID 19.
“The MRT-3 served as a reliable partner for more commuters who returned to on-site work in 2023 and needed a fast and dependable mode of transport. The continued effective maintenance and upkeep of the MRT-3’s rehabilitated subsystems contributed to the improved reliability and efficiency of the rail line,” sabi pa ni Aquino.
Noong nakaraang taon, 357,198 ang sumasakay sa MRT 3 kada araw mula sa 273,141 noong 2022 at 127,276 noong 2021.
Naitala naman noong nakaraang Agosto 22 ang “highest single-day ridership” na umabot sa 450,298 pasahero.