P731B idinagdag sa 2024 national budget kukuwestiyonin ni Pimentel sa SC

By Jan Escosio January 03, 2024 - 02:52 PM

SENATE PRIB PHOTO

Naghahanda na si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III para kuwestiyonin sa Supreme Court (SC) ang 2024 national budget.

Partikular niyang hahamunin ang idinagdag na P731 billion sa naaprubahang P5.768 trillion na pambansang pondo ngayon taon.

Una nang ibinunyag ni Pimentel ang idinagdag sa pambansang pondo sa bicameral conference committee meeting at ito ay tinawag na “unprogrammed funds.”

Ipinaliwanag niya na ang maaring gawin lamang sa nakasaad sa National Expenditure Program (NEP) ay bawasan o panatilihin ang halaga at labag sa Saligang Batas kung ito ay dadagdagan.

Ayon kay Pimentel tinatapos na lamang niya ang mga argumenti ng isusumite niyang petisyon sa Korte Suprema.

Pagbabahagi pa ng senandor na ang “ilegal” na pagdadagdag sa pambansang pondo ay nangyari na rin noong nakaraang taon.

 

TAGS: Koko Pimentel III, national budget, SC, Koko Pimentel III, national budget, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.