NGCP nanawagan ng mas maayos na energy resource planning para iwas “massive blackout”

By Jan Escosio January 03, 2024 - 02:37 PM

INQUIRER PHOTO

Nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng “whole-of-industry approach” para sa mas maayos na energy resource planning sa bansa.

Ginawa ng NGCP ang panawagan kasunod nang pagkawala ng suplay ng kuryente sa Panay Island.

“The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants in Panay island was the primary cause of the power interruption. We emphasize the need for improved planning to ensure sufficient generation per island, with a well-balanced mix of fuels and technology,” ang pahayag ng NGCP.

Una nang ibinahagi ng NGCP  ang pagbagsak ng ilang planta ng kuryente sa Panay Island kahapon  kabilang ang  PEDC Unit 1 and 2 (83 MegaWatts each), at PCPC (135MW).

Nagbunga ito nang pagkawala ng 68.75 porsiyento ng suplay ng kuryente sa isla dahil na rin sa maintenance shutdown ng PEDC Unit 3 (150MW).

Kinapos din ang suplay ng kuryente bunga ng pagrarasyon mula sa mga planta na hindi sakop ng Grid Operating and Maintenance Program ng Department of Energy (DOE).

Hanggang alas-9:30 kagabi, apat sa 13 planta pa lamang ang nakakapag-suplay ng kabuuang 40.3MW sa kinakailangan na 300MW para sa “stable supply”

“We will be restoring loads conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available. The people must understand that we can only transmit power, we do not generate power,”paliwanag pa ng NGCP.

Diin ng power transmission company kailangan na himayin ng husto ang lahat ng isyu ukol sa suplay ng kuryente at gawing prayoridad ang mas epektibong solusyon.

Inirekomenda na rin ang pagrebyu sa Philippine Grid Code para sa renewable energy sources, kasama na ang epektibong paggamit ng mga mas makabagong teknolohiya.

 

TAGS: bl;ackout, DOE, ngcp, Panay, bl;ackout, DOE, ngcp, Panay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.