DOJ Secretary humirit kay Digong na italaga ang isang heneral sa Bureau of Corrections

By Chona Yu July 01, 2016 - 06:59 PM

Untitled

Umaasa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naging rekomendasyon na

italaga si Philippine Marines Major General Alexander Balutan bilang pinuno ng Bureau of Corrections.

Bagama’t isang sundalo at sa Oktubre pa mag-reretiro si Balutan sa Serbisyo, naniniwala si Aguirre na magagawan nang paraan ang appointment nito sa Bucor.

Paliwanag ng kalihim, pulis kasi ang naatasan na mag-asikaso sa Civilian Authority at Internal Threat habang ang sundalo ang bahala sa external conflict.

Subalit dahil maituturing anyang krisis na ang talamak na problema sa iligal na droga maaring panghimasukan ito ng Militar.

Naniniwala din si Aguirre na maganda ang track record ni Balutan.

Posible anyang mag-leave na muna sa Marines si Balutan hanggang sa abutan na ito ng pagreretiro sa Oktubre.

Matatandaan na si Balutan ay naging vocal sa kanyang sentimyento sa isyu ng Pork barrel fund scam na nai-post pa nito sa Facebook
nang sabihin nito na dapat sana’y nagamit naln ang natutang pondo para solusyunan ang matagal nang armed conflict sa bansa.

TAGS: BuCor Chief, DOJ Sec Aguirre, Major General Alexander Balutan, Pangulong Duterte, BuCor Chief, DOJ Sec Aguirre, Major General Alexander Balutan, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.