DFA: Walang namatay na Pinoy sa Japan power quake

By Jan Escosio January 03, 2024 - 07:06 AM

INQUIRER PHOTO

SINABI ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na walang ulat na may Filipino na kabilang sa mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Japan noong unang araw ng bagong taon.

Ayon kay Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega wala pa ring ipinararating na ulat sa kagawaran ukol sa Filipino na labis na naapektuhan ng 7,5 magnitude earthquake na tumama sa Ishikawa prefecture.

Nabatid na may 1,300 Filipino sa nabanggit na lugar.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio may 159 Filipino ang lumikas sa  Minamigawa Elementary School at kahapon ng hapon, 157 sa kanila ang nakauwi na.

Sa mga ulat, halos 50 ang kumpirmadong nasawi sa pagyanig.

TAGS: DFA, Japan earthquake, OWWA, DFA, Japan earthquake, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.