Robin tinira ang NTC sa suspensyon ng SMNI

By Jan Escosio December 22, 2023 - 12:46 PM

Naniniwala si Senator Robinhood  Padilla na walang “due process” ang pagsuspindi ng 30-araw ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

Pagbabahagi ng namumuno sa Senate Commmitee on Public Information and Mass Media na ikinukunsidera na niya ang paghahain ng resolusyon ukol sa isyu at matalakay ito sa Senado sa pagpapatuloy ng sesyon sa Enero.

Pagtatanggol ni Padilla sa SMNI, malaki ang naging ambag ng broadcasting company sa anti-terrorism campaign ng gobyerno sa pamamagitan ng ilang programa nito.

Aniya nabigo ang NTC na linawin ang basehan nang pagsuspindi sa SMNI, gayundin ang katuwiran ng kanilang naging hakbang para sa kapakanan ng publiko.

Bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng NTC nararapat lamang ayon sa senador na ipaliwanag at linawin ng komisyon ang suspension order.

Banggit pa ni Padilla na sa desisyon ng Korte Suprema noong 2008, maging ang administrative proceedings gaya ng mga pagdinig at pag-iimbestiga,  ay dapat mangibabaw ang “right to due process”

Naniniwala ito na magkakaroon ng seryosong negatibong epekto sa SMNI at mga kawani ng kompaniya ang desisyon ng NTC.

 

TAGS: NTC, Robin Padilla, SMNI, suspension, NTC, Robin Padilla, SMNI, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.