13th month pay ng resigned, dismissed employees ibigay – Sen. Imee Marcos
Pinaalahanan ni Senator Imee Marcos ang mga pribadong kompaniya na ibigay pa rin sa mga umalis o nasibak na empleado na ibigay pa rin ang 13th month bonus ng mga ito.
Aniya maging ang mga nag-trabaho lamang ng isang buwan ay dapat bigyan ng tinatawag na year-end bonus.
Sa kaso aniya ng mga minimum wage earner, na nag-trabaho ng walong oras kada araw sa kompaniya, ay maaring may P1,000 13th month pay.
Dagdag pa ni Marcos, ang mga pribadong guro naman ay dapat makatanggap ng buong 13th month pay kahit isang buwan lamang sila sa trabaho.
Malaking tulong na aniya ito sa panahon ngayon na mataas ang presyo ng maging ng mga pangunahing bilihin, kasama na ang Noche Buena goods.
Diin pa ng senadora dapat ay matanggap ang 13th month pay bago sumapit ang Disyembre 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.