Pagbuo ng Board of Generals na mangangasiwa sa promotion ng mga opisyal ‘OK’ sa AFP
Pabor umano ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng Board of Generals na siyang mangangasiwa at tututok sa promotion ng mga mga opisyal sa AFP.
Ipinaubaya na rin ni Duterte kay AFP chief of staff. Lt Gen Ricardo Visaya kung sinu sinu sa mga heneral ng AFP ang kaniyang itatalaga para maging bahagi sa nasabing board.
Sa ngayon nasa proseso pa umano ang pagbuo sa nasabing board.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen Ricardo Visaya kasama sa magiging top priority niya ang pag buo ng board of generals bukod sa pagtutok sa problema sa Abu Sayyaf.
Una ng sinabi ni Pang Duterte na ayaw niyang makialam sa trabaho ng militar lalo na sa promotion ng mga ito.
Nais lamang umano ni Duterte na ang mga karapat dapat na opisyal ang siya talagang mapo-promote.
Dagdag pa ni Duterte na bahala na si Gen. Visaya sa pangangasiwa sa militar at sa sandaling magkaroon ng bulilyaso ay mananagot ito sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.