Higit 25-M Pinoy kapos sa pagkain – PSA

By Jan Escosio December 22, 2023 - 11:25 AM

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na higit 25 Filipino ang hirap sa kanilang mga pangunahing pangangailangan partikular na sa pagkain.

Base sa paunang 2023 First Semester Official Poverty Statistics, 22.4 porsiyento ng kabuuang populasyon sa bansa ang hindi makabili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan at ito ay may katumbas na 25.24 milyong Filipino.

Itinuring na mahirap ang isang pamilya, na may limang miyembro, kung mababa sa P13,797 ang kanilang buwanang kita mula noong Enero hanggang Hunyo ngayon taon.

Ang naturang halaga ay para sa kanilang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa bilang, 7.79 milyong indibiduwal naman ang walang pambili kahit pagkain lang.

May 16,4 porsiyento ng pamilyang Filipino o 4.51 milyon ang ikinunsiderang mahirap sa unang kalahati ng taon.

Sa naturang panahon, 1.62 milyong pamilya ang nahirapan sa kanilang pagkain.

 

 

 

TAGS: hunger, Poverty, psa, hunger, Poverty, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.