2.6 milyong pasahero dadagsa sa PITX ngayong holiday season
Aabot sa 2.6 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange mula Disyembre 15 hanggang Enero 3.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX, mas mataas ito kumpara sa halos dalawang milyong pasahero na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Salvador, mas marami na ang bumibiyahe ngayon dahil inalis na ang travel restrictions sa COVID-19.
Sa ngayon aniya, nasa 100,000 hanggang 110,000 na pasahero kada araw ang bumibiyahe sa PITX.
Ayon kay Salvador, asahan pang dadami ang mga pasahero sa mga susunod na araw dahil bakasyon na ang mga estudyante.
Possible pa aniyang pumalo sa 196,000 na pasahero kada araw ang bibiyahe sa PITX.
Agad namang humingi ng pasensya si Salvador sa mahabang pila dahil kailangan na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.
Patuloy din aniyang sinusuri ng PITX na maayos ang kondisyon ng mga drayber at konduktor na hindi nakainom ng alak, sapat ang tulog at pahinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.