Hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Pangulong Marcos Jr., na i-veto ang dagdag na P450 billion unprogrammed fund sa inaprubahang proposed 2024 national budget.
Kasabay nito ang kanyang pagpuna sa mga kapwa mambabatas sa pagbuo ng pinaniniwalaang niyang “unconstitutional” national budget.
Paliwanag ng senador ang idinagdag na P450 billion unprogrammed fund sa pinal na bersyon ng General Appropriations Bill (GAB) ay “unconstitutional” dahil ang orihinal na panukala ay P6.768 trillion.
At aniya para maiwasan na kuwestiyonin ang ipinasang panukalang pambansang pondo sa susunod na taon sa Korte Suprema, hinimok niya si Pangulong Marcos Jr., na i-veto na lamang ito.
Una na ring, inirekomenda ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pag-veto sa panukala.