Para kay Senator Sonny Angara maaring napapanahon na talaga para ikunsidera ang pagbabago sa 1987 Constitution.
Sinabi nito na sa kanyang palagay, dapat nang baguhin ang economic provision ng Saligang Batas dahil hindi na ito ayon sa kasalukuyang panahon.
Binanggit nito ang mga probisyon na naglilimita o nagbabawal sa bansa sa mga dayuhang mass media, foreign educational institutions, mga foreign professors at foreign advertising agencies.
Agad naman sinabi ni Angara na dapat ay buong katapatan ang mga magiging diskusyon ukol sa pag-amyenda sa Saligang Batas at ang mga motibo ay para sa kapakanan ng sambayanan at basa.
Inamin ng senador na natabangan ang maraming Filipino sa mga naunang hakbang na baguhin ang Konstitusyon sa pag-iiisip na pansariling interes lamang ang motibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.