Duterte sa Bilibid drug lords: “bilang na ang oras ninyo”
Droga pa rin ang naging sentro ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa change of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matapos ang full military honors ay nagbigay ng talumpati si Duterte sa pagpapalit ng liderato ng AFP mula kay dating AFP Chief of Staff Glorioso Miranda sa bagong pinuno ng militar na si Lt. Gen. Ricardo Visaya.
Binalaan ng pangulo ang mga drug lords na bilang na ang kanilang mga oras at hindi mga araw.
Binanggit ni Duterte ang mga drug lords sa National Bilibid Prisons (NBP) na sangkot sa illegal drug trade.
Kung patuloy anya ang marangyang pamumuhay ng mga drug lords sa bilibid sa nakalipas na mga administrasyon, sa kanyang gobyerno ay tapos na raw ang kanilang masasayang oras.
“there is always a time for everything but there is always a time to rest and die,” pahayag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.