Pagkamatay ni Ronaldo Valdez uusisain ng QCPD

INQUIRER PHOTO

Nagpapatuloy ang pag-iimbestiga ng  Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez kahapon, araw ng Linggo.

“As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez. We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence,” pahayag ng QCPD.

Una nang kinupirma ng pulisya ang pagkamatay ng 76-anyos na aktor, gayundin ng kanyang anak na si singer-actor Janno Gibbs.

Hindi pa opisyal na isinasapubliko ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.

“We assure the public that any findings from the investigation will be officially released,” ayon pa sa lokal na pulisya.

Umapila din ang QCPD sa publiko na iwasan ang pagbibigay ng sariling konklusyon ukol sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng aktor at irespeto ang kahilingan ng naulilang pamilya na pribadongg makapagluksa.

“We also urge the public to refrain from concluding and respect the family’s request to grieve in private,” it added.

Read more...