MPT South handa sa dagsa ng mga bibiyahe sa CAVITEX, CALAX

By Jan Escosio December 18, 2023 - 01:53 PM

MPT SOUTH PHOTO

Pinaghahandaan ng husto ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways
Corporation (MPTC), ang inaaasahang pagdagsa ng mga motorista sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), kabilang ang C5 Link segment, at  Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ngayon Kapaskuhan.

Karaniwang bumibigat ang trapiko sa mga lansangan maging sa mga tollways tuwing Kapaskuhan dahil sa mga namimili, namamasyal at nagbabakasyon.

Sa pagpasok ng ikatlong linggo ng Disyembre hanggang sa pagpapalit ng taon, inaasahan na ng MPT South ang 15% hanggang 20% porsiyento sa CAVITEX, partikular na ang mga luluwas ng Manila mula sa Cavite.

May katumbas itong bilang na hanggang 208,000 sasakyan mula sa 181,000.

Sa bahagi ng CALAX, hanggang 35% ang itinaas ng bilang ng mga sasakyan, sa 47,000 mula sa 35,000 dahil sa mga patungo sa Tagaytay City at pagbubukas na ng Silang (Aguinaldo) Interchange.

Ilalagay sa “high alert” ang MPT South at pagtitibayin pa ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program.

Kaakibat na nito ang karagdagang tao para sa pagsasa-ayos ng trapiko at koleksyon ng toll,  bukod pa sa standby emergency medical services, at incident response teams.

“As we gear up to ensure a safe and smooth journey for our motorists this holiday season, we advise everyone to plan their trips and check their vehicles and  health to avoid untoward incidents. We also encourage our motorists to take advantage of using their Easytrip RFID
for quicker toll transactions, and even stand a chance to win in our MPTC’s Happy Holideals promo if they reload their account via MPT DriveHub App,” ani MPT South President and General Manager Raul Ignacio, .

TAGS: C5, CALAX, CAVITEX, tollways, C5, CALAX, CAVITEX, tollways

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.